Tatlong huwes ng CA na nagpalabas ng release order sa ‘Ilocos 6’ nakatikim ng mura kay Speaker Alvarez
Hindi pinalampas at minura ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang tatlong huwes ng Court of Appeals na nagpalabas ng release order para sa anim na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na kasalukuyang nakaditine sa Kamara.
House Speaker Pantaleon Alvarez file photo |
Sa kanyang text message sa mga mamamahayag, tinawag ni Alvarez na mga “gago” ang tatlong huwes ng CA na naglabas ng kautusan.
“That’s gross ignorance of the law. Mga gago yang tatlong justices na yan! text message na ipinadala ni Alvarez sa mga mamamahayag.
Ang tatlong mga huwes na ito ay sina A Special Fourth Division Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon and Nina Antonino-Valenzuela na pumabor sa habeas corpus petition na inihain ng anim na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte.
Magugunita na pintawan ng contempt ng Kamara sina Genedine Jambaro, Encarnacion Gaor, Josephine Calajate, Eden Battulayan, Evangeline Tabuluog, at Pedeo Agcaoili Jr. dahil sa kabiguan ng mga ito na sagutin ang mga katanugnan ng mga kongresista na nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y maling paggamit ng tobacco funds ng probinsya noong 2011.
Loading...
No comments: