Limang sibilyan, natagpuang patay sa isang bahay sa Marawi City

Limang sibilyan ang patay habang walong iba pa ang binihag ng teroristang grupong Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City kahapon.

Ayon kay Major General Rolando Joselito Bautista, ang kumander ng Joint Task Force Marawi, limang iba pang sibilyan ang na-rescue kahapon ng tropa ng pamahalaan.


Base sa salaysay ng limang sibilyan na nakatakas, kinatok umano ng mga terorista ang kanilang tinutuluyang bahay .

Agad umano silang nagpulasan na 18 sibilyan sa backdoor ng bahay patungo sa ilog.

Gayunman, pinagbabaril umano sila ng Maute at Abu Sayyaf group kung saan lima sa kanila ang nakatakas, lima ang napatay habang binihag ang walong iba pa.

Agad nang binigyan ng pagkain at gamot ang limang nakatakas na sibilyan.

Base sa talaan ng Joint Task Force Marawi, 1,618 na ang bilang ng mga sibilyan na na-rescue habang 26 na mga sibilyan na ang napatay ng teroristang grupo

No comments:

Powered by Blogger.