Retired SPO4 Arturo Lascañas aarestuhin ng Interpol sa utos ng DOJ

Pinakilos ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang dating pulis at umaming team leader ng Davao death squad na si retired policeman SPO4 Arturo Lascañas.
Retired policeman SPO4 Arturo Lascañas.


Ayon kay Justice Sec Vitaliano Aguirre II , inatasan na nito si NBI Dir. Dante Gieran na pakilusin ang Interpol division at makipag ugnayan sa mga counterpart nito upang arestuhin si Lascañas sa bisa nng arrest warrant na inilabas ng Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 10, kaugnay ng kasong frustrated murder at murder kaugnay sa tangkang pagpaslang sa broadcast journalist na si Jun Pala noong 2002 at 2003 at pagpatay dito noong September 6, 2003.

Ito aniya ay upang papaharapin sa korte si Lascañas, matapos niyang aminin sa hukuman ang kanyang pagtisipasyon sa pagpaplano, nabigong pananambang at ang pagpaslang kay Pala.

Si Lascañas ay lumabas ng bansa noong April 8 patungong Singapore, at kung pagbabatayan ang kanyang flight schedule, April 22 sana ang balik nito sa bansa subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik.

No comments:

Powered by Blogger.