Pagpulbos sa Maute wala pang tiyak na deadline ayon kay Sen. Honasan
Senado - Naniniwala si Senador Gringo Honasan na hindi tama na magtakda ng deadline para ganap na mawalis ang Maute Group at tuluyan nang mabawi ang Marawi City.
Ito’y bilang pagsang-ayon na rin ng senador sa desisyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi na magtatakda ng deadline para sa pagbawi nito sa Marawi City mula sa pagsakop ng teroristang grupo.
Senador Gringo Honasan file photo |
Ayon kay Honasan, hindi praktikal na magtakda ng deadline ang militar sa grupong walang physical boundaries.
Ang terorismo ay mga ideyolohiya na kailangan umanong labanan ng mas mahusay na ideya.
Bukod dito, dagdag ng senador, hindi lang military action ang kailangan para matapos ang gulo sa Marawi City, kundi dapat na sabayan din ng mahusay na pamumuno, maayos na koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at suporta mula sa publiko.
Loading...
No comments: