Russian airstrike sa Syria maaring napatay si ISIS leader Baghdadi sa Raqqa

Nagpapatuloy ang isinagawang Russian air strike sa Syria at iniimbestigahan ngayon ng Russian defence ministry kung kasama ba ang isang lider ng Islamic State (IS) sa napatay .

Ayon sa defence ministry, napatay umano nila ang umaabot na sa 330 IS fighters at maaring kasama na rito ang kanilang pinunong si Abu Bakr al-Baghdadi sa kanilang military council sa Raqqa noong ika-28 ng Mayo.
Abu Bakr al-Baghdadi file photo

Kung matatandaan, napaulat din noong mga nakaraang taon ang pagkasawi ni Baghdadi.
Mayroon ding mga espikulasyon na nasa Mosul sa Iraq umano ang pinuno ng IS, bago bawiin ng US ang nasabing lugar noong 2016.

Napaulat din na nagtatago umano sa disyerto si Baghdadi at wala ito saan man sa Mosul o Raqqa.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.